Sa Kaliwaan
Singer: Arjhay Pilyo
Writer: Arjhay Pilyo
I
Anong sinasabi mo?
Kitang-kita ko nga
ang inyong pagmumukha
Ba't di ka na lang maniwala
Sabik na marinig
kung ano na naman
ang sasabihin
ipaliwanag mo nga sa akin,
pag nauutal ay nagsisinungaling
Chorus:
(Sa kaliwa) Ba't ka nagtatanung ng daan
kung alam mo naman ang pupuntahan
(Sa kaliwa) Bigla mo yatang nakalimutan
na sanay ka na dyan sa kaliwaan (2x)
II
Ngayon, magsalita ka
hinay-hinay lang
Nakokonsensya ka ba
kaya ika'y nagbubunganga?
Tanong, pinsan mo ba sya?
Kaibigan mo ba?
Ba't ang tagal-tagal mo syang halikan?
Nagdroroga ka ba?
Kagagamit mo ba lang?
(Repeat Chorus)
Bridge:
Ba't di mo subukan, lumiko ka naman,
bumanda sa kanan, ideretso mo yan
Ba't di mo subukan, lumiko ka naman,
bumanda sa kanan, ideretso mo yan (2x)
(Repeat Chorus)
Sa kaliwaan, sa kaliwaan
Sa kaliwaan, sanay ka na dyan
sanay ka na dyan
sa kaliwaan
Please wait for the song to upload thanks.
ok lang po na gamitin yung tula ko, basta may credits tol!
ReplyDeletehehe :)